Ikaw pa! 

Strong….isa sa madalas kong marinig na sabihin sa akin. Ang strong mo naman. Ang lakas ng loob mo.  Maabilidad, mabait, mapagbigay…tama na nga!  Nakakahiya baka sabihin niyo nagbubuhat ako ng sarili. 

Bakit ko nga ba naisip yang mga salitang iyan?  Mainam nga at ibig sabihin niyan independent at maaasahan ka.  Pero sa totoo lang, nakakapagod din.  Dahil napagtanto ko na sa oras nang ako ang nangangailangan, bilang ko sa daliri ko ang mga panahon na may sumaklolo sa akin. Nakakapagod din na ikaw ang takbuhan, problem solver at sandalan pero pag ikaw na ang napagod, wala kang sasandalan. Ang expectation pa ng mga tao na kapag may problema, isang pitik mo lang solved na agad.  Nasasanay rin ang mga tao na huwag nang guluhin ang iba kasi nga nandyan ka naman. Kaya mo na yan, ikaw pa! Sana nga si Superman na nga lang ako pero ang masaklap, hindi. Tao lang din. 

Anyway, lilipas rin ito.  Ika nga nila, ganyan talaga ang buhay.  Maraming bagay, tao at pagkakataon na hindi ko matiis maging si Superman kahit na mahirap para sa pagmamahal.  Ang mahalagang leksyong natutunan ko ngayon ay kung hindi kayang maging patas sa iyo ng buhay, maging wais na lamang dahil hindi totoo na kapag tumulong ka, maraming babalik sa iyo. Maraming gumawa na niyan at sila pa ang mas mahirap sa dulo.  Maraming babalik sa iyo dahil pinagsikapan mo iyon at hindi yan babagsak sa harap mo ng walang dahilan. 
Sorry sa rant, kailangan lang maglabas ng frustrations sa buhay.  May mga aspeto talaga sa buhay na di tayo swerte.  Tsk!

P.S. Ito na lang ang poging-pogi kong picture para pampa-good vibes.  Kuha yan ni Mamang.  Yan ang pinakamaayos niyang kuha. Hehe! 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s